
Iginawad sa 267 na nagsipagtapos mula sa antas di-gradwado at 25 sa antas gradwado ang kani-kanilang mga digri at diploma sa idinaos na ika-52 Seremonya ng Pagtatapos ng PNU Mindanao na isinagawa kahapon, ika-8 ng Agosto 2025 sa Open Grounds ng pamantasan.
Ang seremonya ay dinaluhan ni Dr. Bert J. Tuga, Pangulo ng Pamantasang Normal ng Pilipinas, kasama si Dr. Teresita T. Rungduin, Pangalawang Pangulo para sa Pananaliksik, Ekstensyon, at Katiyakang Kalikad. Si Student Regent Janre V. Lachica ay dumalo rin sa gawain bilang miyembro ng Lupon ng mga Rehente at isa sa mga magsisipagtapos.
Nagsilbing panauhing pandangal at susing tagapagsalita si Dr. Nelia A. Alibin, ang Direktor ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon – Rehiyon ng CARAGA. Inilahad din ng Pangulo ng Pamantasan, Dr. Bert J. Tuga, ang kanyang hamon sa mga nagsipagtapos na PNUan. Ito ay binigyang tugon ni G. Glowen Kyle D. Aparece, magna cum laude at valedictorian ng Class of 2025.
Ang PNU Mindanao ang tinaguriang Multicultural Education Hub ng PNU. Ang kampus ay pinamumunuan ng kanilang Ehekutibong Direktor at Provost, Dr. Adelyne C. Abrea.


