
Bilang isang makabuluhang pagdiriwang ng kahusayan, ang pamayanan ng PNU Timog Luzon sa Lopez, Quezon ay isinagawa ang ika-30 Seremonya ng Pagtatapos kahapon, ika-12 ng Agosto 2025. 144 na mag-aaral sa antas di-gradwado ang ginawaran ng kanilang mga digri. Sa bilang na ito, 53 ang nagkamit ng karangalang Cum laude, 49 naman ang nagkamit ng Magna Cum Laude, at isa ang nakakuha ng karangalang Summa Cum laude.
Ipinagdiwang ng komunidad ng PNU Visayas ang maluwalhating pagtatapos ng 279 na mag-aaral sa naganap na ika-52 Seremonya ng Pagtatapos na idinaos kahapon, ika-5 ng Agosto 2025, sa Cadiz City Arena, Lungsod ng Cadiz, Negros Occidental. Ang Seremonya ng Pagtatapos ay may temang “Hinubog na Kahusayan: Ang Panibagong Landas ng PNU sa Edukasyong Pangguro”. Sa bilang na ito, 254 ang mula sa antas di-gradwado at 25 naman ang mula sa programang post baccalaureate na Diploma in Environment and Green Technology Education. Mula sa bilang ng mga nagtapos sa antas di-gradwado, 161 ang nagkamit ng karangalang Magna Cum Laude at 71 naman ang Cum Laude.
Idinaos ng Pamantasang Normal ng Pilipinas – Hilagang Luzon ang ika-49 nitong Seremonya ng Pagtatapos noong nakaraang Sabado, ika-2 ng Agosto, 2025 sa Pampamantasang Gymnasium. Sa nasabing programa ay pormal na iginawad sa 235 na nagsipagtapos sa antas di-gradwado ang kani-kanilang mga digri, kung saan 105 ang cum laude at 54 ang magna cum laude. Sa unang pagkakataon, iginawad din sa lahat ng mga nagsipagtapos sa antas di-gradwado ang Sertipiko sa Pagtuturo sa Pangkatutubong Edukasyong Pangguro. Binigyang pagkilala rin ang labing dalawang (12) indibidwal na nakapagtapos ng programang Diploma sa Pagtuturo sa Pangkatutubong Edukasyong Pangguro. Samantala, 15 rin ang nakapagtapos sa antas gradwado.
Si Atty. Ester A. Futalan ay isang dedikado at huwarang tagapaglingkod sa larangan ng edukasyon at batas. Nagtapos siya noong 1994 sa Philippine Normal University Agusan Campus (na ngayon ay Mindanao Campus) ng kursong Batsilyer sa Edukasyong Pang-elementarya na may espesyalisasyon sa Ingles. Bilang mag-aaral, naging aktibo siyang pinuno at ginawaran ng Gantimpala sa Pamumuno.