August 2024 – Tito M. Tejada
Mr. Tito M. Tejada is a distinguished professional with significant achievements in both education and financial management. Due to his robust academic foundation, he embodies dedication, versatility, and leadership. Mr. Tejada earned a Bachelor of Science in Elementary Education from the Philippine Normal College in 1970, followed by a Bachelor of Science in Accounting from Far Eastern University in 1980. His commitment to further education is evidenced by his Master of Arts in Administration and Supervision, equipping him with essential leadership skills.
Ika-116 na Seremonya ng Pagtatapos ng PNU Maynila, muling Pagtatalaga kay Dr. Tuga bilang Pangulo, idinaos
Nagtipon ang pamayanan ng Pamantasang Normal ng Pilipinas Maynila sa Reception Hall ng Philippine International Convention Center (PICC) upang tunghayan at makibahagi sa ginanap na ika-116 na Seremonya ng Pagtatapos at Seremonya ng muling Pagtatalaga kay Dr. Bert J. Tuga bilang Pangulo ng PNU, na ginanap noong ika-23 ng Agosto 2024.
Mga magsisipagtapos sa PNU Manila, kinilala at binigyang pugay sa mga gawaing kaugnay ng ika-116 na pagtatapos
Sa kabila ng banta na dala ng pag-alburoto ng Bulkang Taal at kalat-kalat na malalakas na pag-ulan, matagumpay pa ring naidaos ng Pamantasang Normal ng Pilipinas ang Gawad Parangal, Hooding Ceremony, at ang Baccalaureate Program para sa mga magsisipagtapos ngayong taon. Ang mga programang ito ay isinagawa noong Lunes, ika-19 ng Agosto, 2024 sa Reception Hall ng Philippine International Convention Center (PICC).
Mga bagong gusali sa PNU Visayas at PNU Mindanao, pinasinayaan
Pormal na pinasinayaan ang dalawang bagong gusali sa mga kampus ng PNU. Ang mga gusaling ito ay ang Environment and Green Technology Education (EGTE) Building sa PNU Visayas at ang Science and Technology, and Mathematics (STEM) Building sa PNU Mindanao.
Mga LEPT topnotchers kinilala, tumanggap ng Php 570,000 kabuuang pabuya
Binigyang pagkilala ng Inang Pamantasan ang mga indibidwal na nanguna sa mga katatapos lang na Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) sa nakaraang Pagpupugay sa Kahusayan na ginanap noong Sabado, ika-10 ng Agosto 2024. Ang nasabing programa ay parte ng Pagdiriwang ng Sulo na may temang “Pagtugon sa Kasalukuyang mga Hamon sa Pagtuturo sa Pamamagitan ng Makabuluhang Edukasyong Handa sa Kinabukasan”.
Pagdiriwang ng Sulo 2024, idinaos
Sa kabila ng maulang maghapon na naranasan sa Maynila noong Sabado, ika-10 ng Agosto 2024 matagumpay pa rin na naisagawa ng Pamantasang Normal ng Pilipinas Maynila ang Pagdiriwang ng Sulo o Torch Ceremony sa kwadranggel ng pamantasan. Kaakibat ang temang “Pagtugon sa Kasalukuyang mga Hamon sa Pagtuturo sa Pamamagitan ng Makabuluhang Edukasyong Handa sa Kinabukasan”, tinatayang may humigit kumulang isang libong mag-aaral mula sa ikatlo at ikaapat na taon ang dumalo sa nasabing gawain.
Unang pandaigdigang gawaing pang-ekstensiyon ng PNU, isinagawa sa Timor Leste
Isinagawa ng Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU) ang kauna-unahan nitong internasyonal na gawaing pang-ekstensyon sa Fundação Educacional Salesiana sa Timor Leste noong ika-23 hanggang ika-26 ng Hulyo taong 2024. Ang gawaing pang-ekstensyon na ito ay isang pagsasanay sa Pamumuno at Pamamahala sa Edukasyon (Educational Leadership at Management).
PNU recognized for proficiency in quality management by PQA
Considered to be a milestone for its quality assurance efforts, Philippine Normal University has been recognized as one of the recipients of the Recognition for Proficiency in Quality Management under the Philippine Quality Award. The recognition was formally bestowed upon PNU on July 17, 2024, during the Conferment Ceremony held at Malacañan Palace, Manila, and was graced by Executive Secretary Lucas P. Bersamin, representing His Excellency Ferdinand R. Marcos Jr.



